Question
Pangkat 5
Basahin at suriin ang teksto. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Pabor sa K-12
Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa Asya
10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng basic education; magkakaroon ng pagkakataon ang mahihin
na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang magtrabaho matapos sumailalim sa K-1
kung sakaling wala na silang pera upang tumuloy sa pag-aaral; at kahit pa hindi sila nakapag-aral ng
kolehiyo, magagawaran pa rin sila ng sertipiko ng kuwalipikasyon upang makahanap ng trabaho na
kikilalanin maging sa ibang bansa.
Hindi Pabor sa K-12
Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad dahil kulang ang
pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging mabisa ba ito para sa mga
Pilipinong mag-aaral; basta-basta lamang itong ipinatupad kung kaya kulang sa pagsasanay ang mga
guro para sa idadagdag na dalawang taon sa pag-aaral, na patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-ayas
kalagayan sa mga mag-aaral habang nag-aaral; at ang dalawang taon kung saan magkakaroon ng
pagbabago para sa pagpasok ng Grade 11 at 12 ay magdudulot ng kawalan o kakulangan ng mga mag-
eenrol sa mga pamantasan na magtutulak sa mga ito na magtanggal ng mga empleyado lalo na ang
guro at kawani.
Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng teksto?
2. Ano ang inilalahad sa tekstong binasa?
3. Ano ang layunin ng tekstong binasa?
Answer
1. Ang paksa ng teksto ay ang pagpapatupad ng programang K-12.
2. Inilalahad sa teksto ang mga argumento para sa at laban sa pagpapatupad ng programang K-12.
3. Ang layunin ng teksto ay upang ipakita ang mga magagandang at masamang epekto ng pagpapatupad ng programang K-12.